AuthorsDen.com   Join Free! | Login    
   Popular! Books, Stories, Articles, Poetry
Where Authors and Readers come together!

SIGNED BOOKS    AUTHORS    eBOOKS new!     BOOKS    STORIES    ARTICLES    POETRY    BLOGS    NEWS    EVENTS    VIDEOS    GOLD    SUCCESS    TESTIMONIALS

Featured Authors:  Barbara Henry, iLloyd Lofthouse, iMarie Wadsworth, iGeorg Mateos, iBob Mitchley, iEdie Batstone, iKevin Weeks, i

  Home > Romance > Articles Popular: Books, Stories, Articles, Poetry     

Bhong B. Martinez

· + Follow Me
· Contact Me
· Articles
· Poetry
· 32 Titles
· 44 Reviews
· Save to My Library
· Share with Friends!
·
Member Since: Before 2003

Bhong B. Martinez, click here to update your pages on AuthorsDen.



Leaving Minnesota
by Bhong B. Martinez   

Last edited: Tuesday, November 26, 2002
Posted: Tuesday, November 26, 2002

  Print   Save    Follow    Share 

Recent articles by
Bhong B. Martinez

Worrier Warrior
Sister Moon.. Brother Sun
Last Night of the World
One Week in Your Arms
Poet in disguised
For Ann
Nightmare
           >> View all

Sometimes in our lives, we make decisions no matter how our inner selves try to contradict what our minds dictate... somehow, somewhere...we managed to survive the calling of so-called romantic hooplas of love. ... this article was written specially for a dear friend~!

Leaving Minnesota

Isang taon ng mahigit magmula ng una kong masilayan ang bansang kilala sa pagiging “land of honey”. Sabado noon at mukhang nagbabadya ang isang malamig na panahon na tag yelo. Masarap isipin, kung babalik-balikan ko ang tagpong iyon, sa unang pagkakataon nakita ko ang mapuputing parang langit na “snow”. Habang minamasdan ko ang lalaking naging dahilan ng aking pagtungo dito. Heto sya sa tabi ko at parang kinurot ang puso ko, naalala ko pa nung una kaming magkakilala, sabi nga kakaiba ang aming “love-affair”, ito yung bunga ng makabagong teknolohiya. Sa sobrang boredom ko yata non, nakahiligan ko ang pag “cha-chat”. Isa sya sa mga unang bumisita sa aking “page” sa Asian Avenue. Ang nakakatuwa kasi pareho kaming pinoy ang kaibahan nga lang sa Minnesota sya ipinanganak at nagkaisip, pero magmula sa kulay, pananamit at ibang pananaw sa buhay hanggang sa pagmamano, isa syang pilipino. Nung una, nag eenjoy lang akong ka chat sya…di ba naman kasi nuong panahon na yon, parang hindi na ako naghahanap ng karelasyon dahil sa isip ko at pati na dikta ng puso ko, pagod na ito sa napakadaming beses na lumuha’t nasaktan ako. Ngunit isang araw na miss ko ang mokong, naroon sya nuon sa New York dahil mayroon syang photo shoot for a print ad, syempre, parang nakakatuwa naman na hindi lang pala basta ordinaryong tao itong bago kong kaibigan at hala, modelo pa yata… syempre, sa totoo lang ayoko namang maging ipokrita, totoong gwapo sya, hindi sya nalalayo sa mga artistang pinoy na sabi nga eh, “American bred”, eh bakit ba naman ako matatakot, magkaibigan lang naman kami. Sa pagdadaan ng mga araw naging open kami sa isa’t isa hanggang sa hindi na kami kontento sa pag chat at email na lang, hindi pa nya noon alam na sobrang mahal ang overseas calls, kaya we would often burn lines. Naalala ko pa nung una nya akong tawagan at narinig nya yung ingay sa background sabi nya “Hey, what’s that I hear?” sabi ko naman “Oh, that…well, that’s my TV running”, “What are ya watchin?” tanung pa nya. “well, some flick from HBO”, sabi ko. “You mean, you actually have cable, in P.I?” laking gulat nya… habang natatawa akong sinagot na “Oo naman..no.” …hanggang ngayon natatawa ako sa usapang yun kasi maraming tao pala ang nag aakala na ang pinas ay isang bansang di binayayaan ng makabagong teknolohiya, samantalang dahil sa teknolohiyang iyon heto ako ngayon at namamaluktot sa bansang may erratic na klima. Naalala ko pa, tigas ako sa kakasabi na ayokong iwan ang pilipinas, gasgas mang marinig pero totoong napakaganda nito, halos wala na yatang magandang lugar para sa akin kundi kung saan ka ipinanganak… hay, naku kakaiba yata ang pasko sa pinas… keso de bola, puto bumbong, at mainit na goto o lugaw sa malamig na madaling araw habang pinipilit mong mabuo ang siyam na simbang gabi para magkatotoo ang wish mo.

iba din pag tugtog ng alas-dose, kainan at bukasan ng gifts, at syempre saan mang handaan di naalis ang fruit salad, menudo at fried chicken… nakakatawa pa nito ang mga nakalagay na prutas sa may lamesang pabilog na simbolo ng pera, para bang dahil pasko kailangang magpakagarbo hindi bale ng ipangutang ito o kaya ay kinabukasan kakalam-kalam ang sikmura ng buong pamilya, sabi nga kailangang maidaos ang pasko. Naiiyak tuloy ako, saan na nga ba ako? A… oo, ewan ko ba kung bakit naisipan kong magdesisyon na tumungo dito? Lagi kong sinasabi noon na ang pilipinas ang paraiso para sa akin..siguro nga sobrang idealistic ako kasi yun ang pananaw ko, “Philippines is so laid back, what are you gonna do there for the rest of your life, plant some camote?”, halos naririnig ko pa na sabi ng mga tita ko sa Canada, ewan ko ba I was never really that hot about living abroad… para sa akin kasi lahat naman pare-pareho lang kahit nasaan ka… pero hindi pala, katulad ngayon, tulog sya at naghihilik sa aking tabi, samantalang heto ako at nakatitig sa kawalan, oo nga, totoong masagana ang buhay rito kahit na halos kayod kabayo na ang ginagawa mo, you can still afford to live lavishly if you work hard, pero hindi naman ako nabubuhay dahil lamang sa pag ta-trabaho, I am not like one of them, my sole reason for being here is because of this man sleeping beside me and not because I live to work. Dito kahit na masaya ka’t nakakain o nabibili mo ang iyong gusto, parang oras ang kalaban mo, ang panahon na halos pag gising mo isang araw ay nagdaan na lamang na hindi mo namamalayan, para bang and salitang love ay inuusal lang dahil nakagawian na at hindi dahil sa iyon ang iyong nadarama. Ano nga ba ang love? Sabi nga ng isang kaibigan ko kahapon habang kami’y nagkakape sa Starbucks, ”love is when you don’t care about right or wrong, it’s when you find yourself losing your self and giving more than of it to that someone”… halos na panganga ako… totoo kaya iyong sinabi niya? Siguro nga, kasi dahil sa love na iyon na kayanan kong mabuhay sa mundong kakaiba sa buhay na pinangarap ko, ang buhay na simple at siguro laid back nga. Dahil din sa “love” kaya ako ngayon nangangarap na sana magising sya at alamin kung bakit ilang araw na akong balisa, di makatulog, halos di makausap ng matuwid. Alam kong isasawalang tabi na naman nya ang pag sisintir ko katulad ng mga nagdaang panahon. Iyon ang malaking kaibahan sa mga couples na nakikita ko, yun ang kaibahan namin, kung ako halos pilitin syang pagusapan ang napakaraming bagay ukol sa aming aandap-andap na relasyon, heto sya at mas pipiliin ang magpahinga, sabi nga nila ganun yata talaga ang mga lalaki, they have the tendency to be so complacent when it comes to their partners, they always expect the woman to be that understanding about the whole situation and yet as a woman you’re expected not to feel any remorse at all. Mahirap hindi ba, parang teka lang, unfair yata, kung ako nakakayanang pagkasyahin ang oras sa pag gawa ng halos lahat ng bagay, at kahit na pata ang katawan sa pag dating ng gabi, mas nanaisin pa ding ipaghanda siya ng kanyang makakain at piliting ngumiti habang pinagmamasdan syang pinapapak ang “adobo” na malamig na kung hindi sa tulong ng microwave oven. Halos ni hindi man lang nya maisipang itanong kung kamusta ang iyong naging araw? Ngayon halos hindi ko na makayanan at napapahikbi na ako, pinilit ko namang maging understanding kahit mahirap dahil halos wala na kaming panahong magkita, hindi katulad ng nasa pinas pa ko, oo nga’t ilang beses na kaming nag away dahil sa hindi nya pagtawag pero kung ikukumpara ko ngayon mas marami kaming pinagku kwentuhan noon kesa ngayon na heto’t halos sabay ang aming paghinga sa iisang kama, katabi mo nga sya pero parang milya-milya ang layo niyong dalawa… nuon distansya ang silbing balakid sa aming relasyon, ngayon nama’y ang milya-milyang pagitan ng aming personality. Hindi ko na halos maisip kung ilang self-help books ang natapos kong basahin, pilit kong inilalagay ang sitwasyon namin sa mga sitwasyong napapanuod ko sa tv. Nabuo ko na rin ang “Men are from Mars and Women are from Venus” na volume. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kinakailangang mag adjust ako sa paligid, sa buhay, sa relasyon at maging dito sa taong nasa kanang bahagi ng kama. After a year of living here na muster ko na ang pag gamit ng mga makabagong kagamitan na halos nalalasap lamang ng iilang chosen few sa pinas… pero ang pag iisa hanggang ngayon kahit na physically hindi naman talaga ako nag iisa, bakit parang kay hirap ihanap ng kasagutan, bakit parang hindi ko ma muster? Disappointment? Maari nga siguro dahil sa dami ng expectations natin sa buhay mangilan-ngilang kabiguan lamang ay parang big deal na… alam ko naman ito, ngunit sana katulad nya ako ngayon…nahihimlay na mapayapa parang isang anghel sa kanyang pagkakatulog, anu nga ba ang iniiyak ko? Ah, oo… ang iniiyak ko ay ang sa katotohanang ayoko mang aminin tulad ng pagka miss ko sa pinas nuong akoy umalis patungo rito, tiyak na ma mi miss ko din ang Minnesota.. paano ba naman narito ang lalaking nagging dahilan ng lahat, kasayahan, pagtangis, pangarap, pag-asa … ang buong buhay ko. Mamaya lamang sisilay ang araw at kasabay ng pagmulat ng kanyang mata, lilisanin ko ang lugar na ito pabalik sa aking nagdaan… Susubsob ako sa kanyang dibdib habang papalisin nya ang mga luha sa king mga mata… Magkaiba man kami sa napakaraming bagay, iisa ang aming puso at narito kung saan maiiwan na kasama nya, habang pipilitin kong hanapin ang aking sarili na milya-milyang distansya ang pagitan sa isang taon ng aming mga hinabing pangarap. Ngunit alam ko matagpuan ko man ang aking nawalang identity, hindi pa rin ako mabubuo as a person dahil naririto at maiiwan ang puso ko kasama ng lalaking mahimbing na nakayapos sa aking katawan. Sabi nga ng awitin na “Sandra” ni Barry Manilow “Oh God I love my husband and I love my kids, I wanted to be like my mother but if hadn’t done it as soon as I did, oh there might have been time to be me for myself… there’s so many things that she wishes, she don’t even know what she’s missing and that’s what she knows that she missed”. At kasabay ng pag buhos ng snowflakes sa aming windowpane ay tuluyan ng tumulo unahan sa aking pisngi ang mga luhang para lamang sa kanya.


Bhongmartinez
10/09/02



Want to review or comment on this article?
Click here to login!


Need a FREE Reader Membership?
Click here for your Membership!


Popular Romance Articles
  1. Dance with Me
  2. Your Siren Song
  3. Round Table Review--Devil Moon: A Mystic R
  4. Valentine Tweets
  5. Incense Of Olibanum
  6. Love's Devote Passion
  7. Thoughts About Turning 63, Life and Love
  8. Upon Dewberries
  9. Hotel From Hell - Love Has Got To Be A Lit
  10. You My Sweetest Wild Flower

Betrayed in the Nith by Miller Caldwell

A story set in 10 years time where two bodies are found in the river NITH in Dumfries, south west Scotland. One is a blind musician and police informant while the other is Poppy, a..  
BookAds by Silver, Gold and Platinum Members

The MacLomain Series- Early Years Boxed Set (Books 1-3) by Sky Purington

Rolling back the clock to when it all began. Join the MacLomain Highlanders on more sweeping romantic time-travel adventures...  
BookAds by Silver, Gold and Platinum Members

Authors alphabetically: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Featured Authors | New to AuthorsDen? | Add AuthorsDen to your Site
Share AD with your friends | Need Help? | About us


Problem with this page?   Report it to AuthorsDen
© AuthorsDen, Inc. All rights reserved.